Monday, September 24, 2012
Monday, September 17, 2012
Paghubog
at Paglinang
(Rosario R. Butaya)
Ang pagsulat ay isang
magandang mamahaling halaman. Pag-alaga ang pangunahing tungkulin ng
nagmamay-ari nito upang ito’y mananatiling buhay sa loob ng mahabang panahon.
Kapag ang mamahaling halaman na ito’y mamumukadkad, maraming tao ang mapahanga,
maimpluwensyahan at maengganyo sa kagandahang taglay nito. Marami ang magtaka,
paano kaya natamo ang kagandahang iyon?
Ias
sa mga kahalagahan ng pagbabasa, Romero(1999) ay ang makakuha tayo ng mga
mahahalagang impormasyono mga kaisipan na makatutulong sa atin lalo na sa mga
mag-aaral. Sa pagbabasa, may marami tayong mga kaalamang matutuklasan na
mahalaga sa buhay. May mga bagay din, na ‘di na tayo mangangailangan ng iabng
tao upang matuto tayo nito dahil matamo na natin ito sa pamamagitan ng
pagbabasa tulad na lang sa pagluluto ng pagkain na matutuhan natin mula sa
pagbasa ng isang recipe. Masasabi nating sustansiya sa buhay ang pagbabasa na
kung saan pianpatibay noti ang pundasyong kognitibo ng isang tao upang
mananatili itong matatag sa pagharap ng anumang pang-akademikong pagsubok.
Sa kabuuan, ang pagsusulat ay
maihahalintulad sa isang magandang halaman. Tubig at init ng araw ang kailangan
nito upang mamamayagpag. Sa pagsusulat naman, motibasyon at pagbabasa ang
kailangan upang lalong mamamayagpag sa nasabing eksperto. Kung likas na may
kakayahan na ang isang tao sa pagsusulat, lalong maging matibay ito kung hindi
siya hihinto sa hangganan ng kanyang natutuhan kundi patuloy pa rin siya sa
paglinang ng mga kaalaman upang maging bihasa siya sa kanyang espesyal na
talento.
ROSA
(Rosario R. Butaya)
Sa
mga mata ika’y nakakaakit tingnan,
Kariktan
mong kahanga-hanga’y inaabangan,
Sa
bawat sandali ika’y nais matitigan,
Araw-araw
gusto kitang masuslyapan.
Nilapitan
kita at tinik ang nadatnan,
Nang
hipuin kita’y kamay ko ay nasugatan,
Iniisip-isip
ko kung bakit nagkaganyan,
May
luha pala sa likod ng ‘yong kagandahan.
Ikaw
ay napakatanyag sa sangkatauhan,
Pero
di nila alam ang iyong pinagdaanan,
Sila’y
humahanga sa lahat na ‘yong nakamtan,
Di
man lang alam, ilang tinik ang nilabanan.
Banghay Aralin sa Filipino I
(Araling Pagpapahalaga)
Rosario R. Butaya 7:30-9:00
Gurong Nagsasanay Oras
Dr. Romeo S. macan
Setyembre 18, 2012
Gurong Tagapagsanay Petsa
I.
Mga Layunin
Gamit ang tula, ang mga mag-aaral ay inasahang
nakagagawa ng mga sumusunid na may 80% na kawastuhan:
a.
Nakapagbibigay kahulugan sa bawat
saknong ng tula;
b.
Nakapagpipili ng saknong o linya ng
tula na nakapukaw sa damsamin; at
c.
Nakapagsusulat ng slogan natumutugon
sa mensahe ng tula.
II.
Paksa : Kasarinlan ni Claro M. Recto
Sanggunian : Arellano, Lourdes et al. (2004)
Sandigan: Sining ng Komunikasyon para sa Mataas na Paaralan. Phoenix Publishing
House Inc. Quezon City.
Lyeson,
Lededica et al. (2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Cebu Normal
University. Cebu City
Kagamitan : kopya ng tula
Kasanayan : pagbasa
Moral : Kasarinlang nakamtan, dapat
pahalagahan
III.
Pamamaraan
A.
Balik-Aral
Pangngalan – bahagi ng pananalita na
tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay at pangyayari.
Halimbawa:
Ø Nanay
Ø Chico
Ø Luneta
Park
Ø Piyesta
Ø Laruan
Halimbawa:
(ng mga mag-aaral)
1.__________ 3.___________ 5.__________
2.__________ 4.___________
B. Bagong Aralin
“Kasarinlan” ni Claro M. Recto
A.
Pangganyak
Ipikit ang inyong mga mata. Isipin
ninyo na kayo’y napipiit, napapalibutan ng rehas ang inyong paligid at ang
kalungkutan ay siyang pumupuno sa inyong mundo. Sa kalagitnaan ng inyong
pagdurusa, biglang nakita ninyo ang salitang “kalayaan”. Sa kalagayang ito, ano
ang inyong mahihinuha at maramdaman tungkol sa salitang ito?
B.
Pag-alis ng Balakid
Panuto: Hanapin sa ibaba ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____________1. Hindi kayang sugpuin
ang planong nasimulan ng pangulo.
_____________2. Pagsikap ang puhunan ng
tagumpay.
_____________3. Pag-ibig ang hinasik na
nagbunga ng pagmamahalan sa pamilya.
___________4. Walang kasarinlan ang
taong naksandig sa pader ng ibang tao.
___________5. Pinutol ng kaguluhan ang
tawanan ng madla.
Hadlangan Pagsasarili
Tinanim Kapital
Ihinto
|
C. Unang Pagbasa
Ipaskil ng guro ang nakasulat na kopy ng tula,
at babasahin niya ito.
Kasarinlan
(Claro M.
Recto)
Halamang
may likas na ugat sa lupa
Sugpu-sugpuin
moy hindi nawawala;
Ang
puhunang dugo’t ang puhunang luha
Pag
napagtubuay sambahay na tuwa
Kasarinlan
natin ay isang halamang
Pinutol ng
lakas ng mga kalaban
Halamang
sa dugo hinasik ni Tatang!
Halamang
sa luha dinilig ng Inang!
Ngayong
narito na’t sa ati’y nabalik
Alagaan
naman n gating tangkilik
Iya’y
bungang-hinog ng paghihimagsik
Na napitas
natin sa pananahimik.
D. Pagtatalakay Pangkaisipan
1.
Ano ang tinutukoy ng halamanan sa
tula?
2.
Ano ang ibig sabihin ng puhunang dugo
at puhunang luha?
3.
Magbigay ng sitwasyon ng kung saan ang
puhunang dugo at puhunang luha ay nagbunga ng tuwa.
4.
Ipliwanang ang simbolismo sa linyang
“halamang sa dugo hinasik ni Tatang at sa luha dinilig ni Inang”.
5.
Paano inilarawan ang pagkamit ng
kasarinlan sa tula?
6.
Ano ang ibig ipakahulugan ng unang
saknong, ikalawa at ikatlo?
E. Ikalawang Pagbasa
A.
Babasahin ng buong klase ang tula
B.
Babasahin ng bawat pangkat ang tula
F. Pagtatalakay Pangkagandahan
1.
Ano ang inyong nahinuha sa pagbasa
ninyo sa pamagat ng tula?
2.
Ano ang inyong naramdaman habang
binasa ang tula?
3.
Magbigay ng bahagi ng tula na
nakapukaw sa inyong damdamin?
4.
Paano natin mapahagahan ang pagsisikap
ng mga ninuno sa pagkamit ng kasarinlan?
5.
Ano ang mensahe ng tula para sa inyo?
G.
Ikatlong Pagbasa
Ipapangkat sa tatlo ang mga mag-aaral.
Babasahin ng unag pangkat ang unang saknong, ikalawang pangkat sa panglawang
saknong at ikatlong pangkat sa iaktlong saknong.
H. Pagtataya
1.
Sumulat ng slogan na tumutugon sa
mensahe ng tula.
Rubric:
Kaangkupan-----15%
Orihinalidad-----10%
25%
2.
Pagpipili-pilian
Panuto:
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.
Sa unang saknong ng tula “ Halamanang
may likas na ugat sa lupa,” ano ang tinutukoy na halaman dito?
a.
Kaligayahan
b.
Kasiglahan
c.
Kalayaan
d.
Kasarinlan
2.
Paano inilalarawan ang pagsisikap ng
mga ninuno sa pagkamit ng kasarinlan?
a.
Gamit ang simile
b.
Gamit ang metapora
c.
Gamit ang ironya
d.
Gamit ang pagsasatao
3.
Ano ang tinutukoy ng “dugo at luha” sa
tula?
a.
Pawis
b.
Himagsik
c.
Pagsikap
d.
Lakas
4.
Paano natin maipadama ang pagtugon
natin sa unang dalawang linya ng ikatlong saknong “Ngayong narito na’t
nagbalik, Alagaan naman n gating tangkilik.”
a.
Tanggapin ang sariling atin
b.
Huwag mag-abroad
c.
Ipaglaban ang bayan
d.
Pahalagahan ang kasarinlan
5.
Ang tinutukoy na “bungang-hinog” sa
ikatlong linya ng ikatlong saknong ay:
a.
Kasarinlan
b.
Kalayaan
c.
Kaligayahan
d.
Kayamanan
e.
IV.
Takdang-
Aralin
Panuto: Sumulat ng repleksyon tungkol sa tula gamit ang matrix sa
ibaba.
Nakita Ko
|
Naisip Ko
|
Nadama Ko
|
|
|
|
Subscribe to:
Posts (Atom)