Paghubog
at Paglinang
(Rosario R. Butaya)
Ang pagsulat ay isang
magandang mamahaling halaman. Pag-alaga ang pangunahing tungkulin ng
nagmamay-ari nito upang ito’y mananatiling buhay sa loob ng mahabang panahon.
Kapag ang mamahaling halaman na ito’y mamumukadkad, maraming tao ang mapahanga,
maimpluwensyahan at maengganyo sa kagandahang taglay nito. Marami ang magtaka,
paano kaya natamo ang kagandahang iyon?
Ias
sa mga kahalagahan ng pagbabasa, Romero(1999) ay ang makakuha tayo ng mga
mahahalagang impormasyono mga kaisipan na makatutulong sa atin lalo na sa mga
mag-aaral. Sa pagbabasa, may marami tayong mga kaalamang matutuklasan na
mahalaga sa buhay. May mga bagay din, na ‘di na tayo mangangailangan ng iabng
tao upang matuto tayo nito dahil matamo na natin ito sa pamamagitan ng
pagbabasa tulad na lang sa pagluluto ng pagkain na matutuhan natin mula sa
pagbasa ng isang recipe. Masasabi nating sustansiya sa buhay ang pagbabasa na
kung saan pianpatibay noti ang pundasyong kognitibo ng isang tao upang
mananatili itong matatag sa pagharap ng anumang pang-akademikong pagsubok.
Sa kabuuan, ang pagsusulat ay
maihahalintulad sa isang magandang halaman. Tubig at init ng araw ang kailangan
nito upang mamamayagpag. Sa pagsusulat naman, motibasyon at pagbabasa ang
kailangan upang lalong mamamayagpag sa nasabing eksperto. Kung likas na may
kakayahan na ang isang tao sa pagsusulat, lalong maging matibay ito kung hindi
siya hihinto sa hangganan ng kanyang natutuhan kundi patuloy pa rin siya sa
paglinang ng mga kaalaman upang maging bihasa siya sa kanyang espesyal na
talento.
No comments:
Post a Comment