Monday, September 17, 2012


Paghubog at Paglinang


                                            
                                                      (Rosario R. Butaya)


Ang pagsulat ay isang magandang mamahaling halaman. Pag-alaga ang pangunahing tungkulin ng nagmamay-ari nito upang ito’y mananatiling buhay sa loob ng mahabang panahon. Kapag ang mamahaling halaman na ito’y mamumukadkad, maraming tao ang mapahanga, maimpluwensyahan at maengganyo sa kagandahang taglay nito. Marami ang magtaka, paano kaya natamo ang kagandahang iyon?

            Ias sa mga kahalagahan ng pagbabasa, Romero(1999) ay ang makakuha tayo ng mga mahahalagang impormasyono mga kaisipan na makatutulong sa atin lalo na sa mga mag-aaral. Sa pagbabasa, may marami tayong mga kaalamang matutuklasan na mahalaga sa buhay. May mga bagay din, na ‘di na tayo mangangailangan ng iabng tao upang matuto tayo nito dahil matamo na natin ito sa pamamagitan ng pagbabasa tulad na lang sa pagluluto ng pagkain na matutuhan natin mula sa pagbasa ng isang recipe. Masasabi nating sustansiya sa buhay ang pagbabasa na kung saan pianpatibay noti ang pundasyong kognitibo ng isang tao upang mananatili itong matatag sa pagharap ng anumang pang-akademikong pagsubok.
            Sa kabuuan, ang pagsusulat ay maihahalintulad sa isang magandang halaman. Tubig at init ng araw ang kailangan nito upang mamamayagpag. Sa pagsusulat naman, motibasyon at pagbabasa ang kailangan upang lalong mamamayagpag sa nasabing eksperto. Kung likas na may kakayahan na ang isang tao sa pagsusulat, lalong maging matibay ito kung hindi siya hihinto sa hangganan ng kanyang natutuhan kundi patuloy pa rin siya sa paglinang ng mga kaalaman upang maging bihasa siya sa kanyang espesyal na talento.

No comments:

Post a Comment