ROSA
(Rosario R. Butaya)
Sa
mga mata ika’y nakakaakit tingnan,
Kariktan
mong kahanga-hanga’y inaabangan,
Sa
bawat sandali ika’y nais matitigan,
Araw-araw
gusto kitang masuslyapan.
Nilapitan
kita at tinik ang nadatnan,
Nang
hipuin kita’y kamay ko ay nasugatan,
Iniisip-isip
ko kung bakit nagkaganyan,
May
luha pala sa likod ng ‘yong kagandahan.
Ikaw
ay napakatanyag sa sangkatauhan,
Pero
di nila alam ang iyong pinagdaanan,
Sila’y
humahanga sa lahat na ‘yong nakamtan,
Di
man lang alam, ilang tinik ang nilabanan.
No comments:
Post a Comment