Monday, September 17, 2012


Banghay Aralin sa Filipino I

(Araling Pagpapahalaga)

 

Rosario R. Butaya                                                                                          7:30-9:00

Gurong Nagsasanay                                                                                                                            Oras

 

Dr. Romeo S. macan                                                                             Setyembre 18, 2012

Gurong Tagapagsanay                                                                                                                      Petsa

 

I.                    Mga Layunin

Gamit ang tula, ang mga mag-aaral ay inasahang nakagagawa ng mga sumusunid na may 80% na kawastuhan:

a.       Nakapagbibigay kahulugan sa bawat saknong ng tula;

b.      Nakapagpipili ng saknong o linya ng tula na nakapukaw sa damsamin; at

c.       Nakapagsusulat ng slogan natumutugon sa mensahe ng tula.

 

II.                  Paksa           : Kasarinlan ni Claro M. Recto

Sanggunian          : Arellano, Lourdes et al. (2004) Sandigan: Sining ng Komunikasyon para sa Mataas na Paaralan. Phoenix Publishing House Inc. Quezon City.

                        Lyeson, Lededica et al. (2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Cebu Normal University. Cebu City

Kagamitan                : kopya ng tula

Kasanayan                : pagbasa

Moral          : Kasarinlang nakamtan, dapat pahalagahan

 

III.                Pamamaraan

A.     Balik-Aral

Pangngalan – bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay at pangyayari.

Halimbawa:

Ø  Nanay

Ø  Chico

Ø  Luneta Park

Ø  Piyesta

Ø  Laruan

Halimbawa: (ng mga mag-aaral)

1.__________                  3.___________                               5.__________

2.__________                  4.___________

 

B. Bagong Aralin

                “Kasarinlan” ni Claro M. Recto

 

A.                    Pangganyak

Ipikit ang inyong mga mata. Isipin ninyo na kayo’y napipiit, napapalibutan ng rehas ang inyong paligid at ang kalungkutan ay siyang pumupuno sa inyong mundo. Sa kalagitnaan ng inyong pagdurusa, biglang nakita ninyo ang salitang “kalayaan”. Sa kalagayang ito, ano ang inyong mahihinuha at maramdaman tungkol sa salitang ito?

 

B.                     Pag-alis ng Balakid

Panuto: Hanapin sa ibaba ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____________1. Hindi kayang sugpuin ang planong nasimulan ng pangulo.

_____________2. Pagsikap ang puhunan ng tagumpay.

_____________3. Pag-ibig ang hinasik na nagbunga ng pagmamahalan sa pamilya.

___________4. Walang kasarinlan ang taong naksandig sa pader ng ibang tao.

___________5. Pinutol ng kaguluhan ang tawanan ng madla.

 

Hadlangan                           Pagsasarili
Tinanim                                Kapital
Ihinto
 
 


 

 

 


C.      Unang Pagbasa

Ipaskil ng guro ang nakasulat na kopy ng tula, at babasahin niya ito.

 

Kasarinlan

(Claro M. Recto)

Halamang may likas na ugat sa lupa

Sugpu-sugpuin moy hindi nawawala;

Ang puhunang dugo’t ang puhunang luha

Pag napagtubuay sambahay na tuwa

 

Kasarinlan natin ay isang halamang

Pinutol ng lakas ng mga kalaban

Halamang sa dugo hinasik ni Tatang!

Halamang sa luha dinilig ng Inang!

 

Ngayong narito na’t sa ati’y nabalik

Alagaan naman n gating tangkilik

Iya’y bungang-hinog ng paghihimagsik

Na napitas natin sa pananahimik.

 

D.     Pagtatalakay Pangkaisipan

1.       Ano ang tinutukoy ng halamanan sa tula?

2.       Ano ang ibig sabihin ng puhunang dugo at puhunang luha?

3.       Magbigay ng sitwasyon ng kung saan ang puhunang dugo at puhunang luha ay nagbunga ng tuwa.

4.       Ipliwanang ang simbolismo sa linyang “halamang sa dugo hinasik ni Tatang at sa luha dinilig ni Inang”.

5.       Paano inilarawan ang pagkamit ng kasarinlan sa tula?

6.       Ano ang ibig ipakahulugan ng unang saknong, ikalawa at ikatlo?

 

E.      Ikalawang Pagbasa

A.      Babasahin ng buong klase ang tula

B.      Babasahin ng bawat pangkat ang tula

 

F.       Pagtatalakay Pangkagandahan

1.       Ano ang inyong nahinuha sa pagbasa ninyo sa pamagat ng tula?

2.       Ano ang inyong naramdaman habang binasa ang tula?

3.       Magbigay ng bahagi ng tula na nakapukaw sa inyong damdamin?

4.       Paano natin mapahagahan ang pagsisikap ng mga ninuno sa pagkamit ng kasarinlan?

5.       Ano ang mensahe ng tula para sa inyo?

      G. Ikatlong Pagbasa

Ipapangkat sa tatlo ang mga mag-aaral. Babasahin ng unag pangkat ang unang saknong, ikalawang pangkat sa panglawang saknong at ikatlong pangkat sa iaktlong saknong.

H.     Pagtataya

1.       Sumulat ng slogan na tumutugon sa mensahe ng tula.

Rubric:

        Kaangkupan-----15%

        Orihinalidad-----10%

                                        25%

2.       Pagpipili-pilian

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.       Sa unang saknong ng tula “ Halamanang may likas na ugat sa lupa,” ano ang tinutukoy na halaman dito?

a.       Kaligayahan

b.      Kasiglahan

c.       Kalayaan

d.      Kasarinlan

2.       Paano inilalarawan ang pagsisikap ng mga ninuno sa pagkamit ng kasarinlan?

a.       Gamit ang simile

b.      Gamit ang metapora

c.       Gamit ang ironya

d.      Gamit ang pagsasatao

3.       Ano ang tinutukoy ng “dugo at luha” sa tula?

a.       Pawis

b.      Himagsik

c.       Pagsikap

d.      Lakas

4.       Paano natin maipadama ang pagtugon natin sa unang dalawang linya ng ikatlong saknong “Ngayong narito na’t nagbalik, Alagaan naman n gating tangkilik.”

a.       Tanggapin ang sariling atin

b.      Huwag mag-abroad

c.       Ipaglaban ang bayan

d.      Pahalagahan ang kasarinlan

5.       Ang tinutukoy na “bungang-hinog” sa ikatlong linya ng ikatlong saknong ay:

a.       Kasarinlan

b.      Kalayaan

c.       Kaligayahan

d.      Kayamanan
e.       

 

IV.                Takdang- Aralin

Panuto: Sumulat ng repleksyon tungkol sa tula gamit ang matrix sa ibaba.

Nakita Ko
Naisip Ko
Nadama Ko
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

 

 

1 comment:

  1. Merit Casino no deposit bonus, 100 free spins, no deposit
    2021 Merit Casino 제왕카지노 no deposit bonus, 100 free spins, no deposit bonus codes. Merit 메리트 카지노 Casino no 카지노 deposit bonus, 100 free spins, no deposit bonus codes.

    ReplyDelete